Monday, September 12, 2011

"Pusog na Katanosan"

Udi ako nag-iisip isip kung pa'no
Makakaantos nanggad sa puro
Nasa ika duwa pa sanang paglakad
Kan sakong futurong nagsisikad
Na mahihiling asin tunay na maluwas
Kan sakong pirang taong pag-arasahas

Ngunyan palang mati ko na
Pagal sa lawas mahaldat na
Sa uro aldaw na gibo
Maski kung udto ma-atamg kang totoo
Gibo na dapat tapuson
Nganig makakua ka maski dos ki maestro

Nasisirip ko na naman
Lista kang gibohon duminagdag pa man
Huli ta naghirit si ma'am asin madam
Dagdag puntos man daa dawa dae man.

Scrapbook, research paper, asin brochure
Proyekto na dapat tapuson
Encoded pa pati nganig daa pormal hilingon
Makabagong teknolohiya talagang mapusogon
Bayad duman ki manoy asin tiya
Kinse pesos sarong oras abot pa...
Pano kaya si mga pobre sa panahon ngunyan
Matunganga nalang; singko abot kayan.

Arog talaga kani ang estudyante
Sakripisyong dakula ang minaagi
Sa sadiri mo man lang ini
Pagtapos sa eskwela may "reward" man ini.

Ngunyan dae na ako nakakaipon
Singkwenta sa sarong aldao masakit bangaon
Pamasahe, minsan minalakaw na ngani
Sa pagkakan, ang tada sa project man mina pirmi.

Sa satong inagihan sa uro-aldao
Gibohon ta ining paagi sa paglakaw
Paduman sa marahay na katapusan
Kan satong pinagpagalan
Matapos kitang sarabay asin malakad sa altar
Paduman sa marahay na FUTURO nin buhay.

For Submission:
Mr. Ryan Fortaleza
HUM1

Thursday, September 1, 2011

May silbi pa ba ang PAGSUSULAT?

May silbi pa ba ang pagsusulat?
Isang tanong na nangangailangan ng malinaw na kaisipan upang mas lalong maunawaan ang importansya ng isang masining at malikhaing PAGSUSULAT.
May silbi pa nga ba ang pagsusulat? Paano mo ito bibigyang importansya- na umuukit satalento ng isang indibidwal?Kailan mo masasabing isa ka nang ganap na manunulat- ng tula, kwento, nobela, o mga awitin? Ano ang iyong maiaambag upang mas lalong mapaunlad pa ang sining ng pagsusulat.
Mayroon tayong kanya- kanyang talento; maaaring ito'y naibahagi na o sadyang nangangailangan lang ng pagtutuklas. Tayo'y kakaiba hindi lamang sa pisikal na kaanyuan maging sa taglay na katalinuhan sa isang malasining na pagpapahayag ng ating saloobin.
Marami sa atin ay sadyang hilig na ang sining- mayroong kanya-kanyang kagalingan sa iba't ibang aspeto ng pagsusulat. Ito'y nakasaad na sa pang araw- araw na buhay ng isang indibidwal, ito'y ginagawang libangan maging pagkakakitaan ay sadyang nagpapakita ng kagalingan ng isang Pilipino.Isang simpleng pagsusulat ng tula ay masasabi nating paglinang sa talento- na humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal. Dito natin naipapahayag ang ating sariling damdamin- nalalabas ang pighati ng dibdib at magign saya na nadarama.
Sa panahon ngayon, masasabi pa ba nating may silbi pa ang pagsusulat? Dahil na rin sa maraming kadahilanan- isana dito ang kahirapan, inuuna natin ang mas importante- ang pangunahing pangangailangan upang mabuhay. Bakit kung laging pagsusulat ang gagawin, mabubuhay ka ba? Kailangan muna nating isipin ang nararapat.
Sa tatsulok na dayagram ni Maslow, makikita nating mas malaking bahagdan ang binibigyang pansin ng mga tao para sa pagkain, bahay, damit- mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw ng tao.
Paano ka nga naman makapagsusulat kung kumakalam ang iyong sikmura? Hindi ka makakapag isip ng maayos na angkop sa iyong gustong ipahiwatig. Subalit nasa ikalimang pwesto lamang ang para sa sining at pagsusulat. Kailangan munang punan ang apat na hagdan bago mo masasabing kuntento ka na sa aspeto ng sining.
Marami sa mga Pilipino na kahit pagkain pa lamang ay hirap na tustusan ang pangangailangan ng pamilya; pagsusulat pa kaya? Hindi natin sila masisisi, dahil na rin sa kahirapang dinaranas natin ngayon ay sadyang nasa huling bahagi na ang pagsusulat.
Bilang isang indibidwal na kumakatawan sa karamihan, sisimulan ko sa aking sarili- gaya ng aking sinusulat ngayon- isang sanaysay mayroong gustong ipahiwatig- na magkaroon ng kasanayan ang isang tao para sa sining- ang PAGSUSULAT. Patuloy pa akong magsusulat at tutuklasin ang aking natatagong kagalingan.
Masasabi mo bang ang mga kilala lamang at binibigyang parangal ang kabilang sa mga dalubhasang manunulat? Hindi, sa sarili mong kagalingan ikaw rin ay masasabing instrumento ng sining. Hindi man kilala ng karamihan ang iyong sariling "obra", na nagpapatunay ng iyong kagalingan ay dapat ikarangal- basta't ika'y may tiwala sa sarili upang maipagmalaki ang tunay na IKAW.

For Submission:
                     Humanities I(poem)
              Mr. Ryan Joseph Fortaleza